326 - Laging Dumalangin Sa Panginoon

Laging dumalangin sa Panginoon,
Saka pagpalain sa Diyos na kampon,
Sa Kanya'y pumiling buong panahon;
Aral N'ya'y tanggapin nang makaayon.

Laging dumalangin lalo't bagabag
Puso sa panimdim at di panatag;
Kay Jesus tumingin nang makatulad
Ng buhay butihing hayag sa lahat.

Laging dumalangin at papatnubay,
Siya'y talimahin, h'wag pangunahan;
Maging sa tiisi't kalumbayan man,
Asahang taimtim hanggang may buhay.

Laging dumalangin maging tahimik;
Adhika't isipan ay ipalinis;
Bayaang akayin ka sa pag-ibig,
Handang kawanihin doon sa langit.

0:00 0:00